Related

Custom Search

Wednesday, December 26, 2012

Kaye Abad FHM Cover Girl June 2012

We're happy to finally welcome you to the FHM family. We know you're pretty nervous at the start of the shoot, though we don't see why you should be.
At first I was really nervous. Hindi ako nakatulog. Isang oras lang tulog ko. Kinakabahan kasi talaga ako kasi hindi ako magaling sa posing. Hindi ako magaling mag-emote-emote, kung paano dapat yung katawan. And that's whi I requested a photographer and stylist I'm comfortable with para kahit papano matulungan ako. Okay naman siya so far, happy naman ako nung nakita ko naman yung mga pictures, maganda naman siya, so excited ako actually.

We're sure people are rising their eyebrow, asking, why do FHM now?
Ngayon niyo lang ako inalok eh. Ha ha!

So had we asked you during your Tabing Ilog days, you would've said yes?
Ay, hindi. Yun lang, ngayon lang ako inalok. I only said yes because I'm not 16 anymore. Hindi rin naman ako 20s. So, why not? At saka, lagi ko lang sinasabi mas okay yung habang bata or kaya ng katawan ko bakit hindi? Alangan naman mag-decide ako na mag-cover kapag kulukulubot na yung balat ko. At least when I get older, I can see na kinaya ko to.

Since we've brought up Tabing Ilog, do you think Eds in all her manang-ness woukd approve? What about her fans?
I actually did a cover for another magazine in 2006. May mga na-shock, may mga natuwa kasi parang sinsabi nila na it's about time to reinvent yourself instead of being typecast as the kawawa ang probinsiyana. Tapos lately, Alynna. Two years ago, pinag-two piece ako. Tapos Angelito, nag-two piece na din ako. There weren't any negative comments naman, na ayaw nila kasi hindi na ako yung dating Eds na conservative, dalagang Pilipina. So far wala namang ganun, lahat sila natuwa actually, kasi ibang Kaye na.

Is that a conscious thing, to veer from the dalagang Pilipina image, or just a natural progression?
Actually, I didn't plan it, natural lang siyang dumating. Time ni God. Ang taray, time ni God! Ha ha! Eksakto lang din kasi hindi na naman kasi ako bata, ngayon lang siya dumating. Maybe before, when I was younger, baka hindi ko pa kayanin. so far lahat naman nang nagyari sa career ko, lahat tamang timing naman.

Speaking of your career, you've been with Star Magic since way back. We're daring to call you an "industry vet." How was the showbiz landscape changed since you started?
Ewan ko kung napansin ko lang, o sa Tabing Ilog lang yun. Yung Tabing Ilog kasi stressed sila pag nale-late yung script or pag may 'for airing' na kukunan, pero masya pa din. I'll arrive on the set and it didn't feel like work, it felt like family. There's bonding and nagiging ka-close mo talaga yung mga artista. Feeling ko ngayon, hindi naman lahatm pero mostly nadagdagan yung stress siguro para mas mapaganda yung show and ang dami na rin artista ngayon unlike before. Ang artista before, if you had a show, bihira kang mag-guest sa iba. Ang tawag nila doon fiesta. Parang, " O hindi ka muna pwede kasi baka mag-fiesta ka na naman." Pag nakita ka na sa hapon, makikita ka na naman sa gabi. Hindi pwede dati yun. Parang ngayon kasi may mga artista na lumalagari na araw-araw may trabaho na. For example, I'll tape something for today, then tomorrow I'll tape for the show that'll follow it. May ganun na ngayon, dati wala pa masyado. Kumbaga dati, kung dito ka lang, dito ka muna.

So showbiz was more relaxed before?
Yes. Pero parang gusto ng mga artista nngayon yung ganun. Bilang mahirap ang buhay, parang gusto nila laging magtrabaho. Ha ha!








No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Subscribe via email

Photos and Videos of Hot Candy Girls, Celebrities, Actress, Models, Famous and Controversial Celebrities. Receive updates directly to your email address so that you won't miss a single latest post from Hot Candy Girls

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner